PINAKAMATIBAY ANG TULONG AT SUPORTA: sa safety at feedback features!
Nandito ang Move It Driver app 2.0 para proteksyonan kayo sa biyahe at suportahan kayo sa pagbigay ng mahusay na serbisyo sa ating mga pasahero.ย
Tignan sa ibaba ang mga safety at feedback features na makakatulong sa iyong biyahe simula May 20.ย
Safety Center
Importante sa amin ang kaligtasan ng ating mga Move It rider-partners.
Sa Move It Driver app 2.0, available na ang Safety Center feature kung saan mas madaling marereport ang anumang hindi kanais-nais na kilos o ugali ng mga pasahero. Maaari rin ito gamitin para magshare ng live location sa iyong mahal sa buhay o mga kaibigan. Direktang tumawag ng mga awtoridad kapag kailangan ng assistance.ย
Para mabuksan ang Safety Center sa gitna ng trip, i-tap lang ang upper right icon:ย
Help Centre
Meron na rin tayong Help Centreย kung saan mahahanap ang kasagutan sa mga frequently asked questions tungkol sa app features. Maaari itong i-access sa loob ng app, o sa web. I-click ang button:ย
Dito rin pwede i-report ang iyong mga concerns tungkolย sa incentives, bookings, pasahero, account at iba pa.ย
Passenger Feedback
Para sa improvement ng serbisyo, may mga feedback features rin tayo sa Move It Driver app 2.0 kung saan malalaman ang sentimento ng mga pasahero sa iyong performance.ย
Mas magandang performance, mas malaking kita!ย
Tignan ang Badges at Star Rating feature sa Account Page
Badges
ย ย ย ย ย ย ย Maaaring magpadala ng mga Badges ang pasahero bilang feedback ng iyong performance. Ilan sa mga Badges na maaring matanggap ay tungkol sa itsura at kalinisan ng motor, style ng pagmaneho, at ang pagiging maginoo ng rider-partner.
Star Rating
ย ย ย ย ย ย ย ย Ang Star Rating ay repleksyon rin ng serbisyo ng Ka-Move It sa pasahero. Siguraduhin na sa kada biyahe ay sinusunod ang lahat ng rules at protocol para matuwa ang pasahero atย patuloy na pataasin ang iyong Star Rating. Mas mataas ang rating, mas preferred ng mga pasahero!
ย ย ย ย ย Anong nakakaapekto sa iyong Star Rating?ย
- Kasuotan at kalinisan ng motor
- Paraan ng pagmamanehoย
- Attitude o behavior ng rider-partnerย
Gamitin ang lahat ng feedback na ito para mas mapabuti ang biyahe, at abangan sa susunod na mga linggo ang aming tips para i-level up pa ang ating serbisyo.ย
Ipakita natin ang DISKARTENG TAPAT ng mga Ate at Kuya ng Kalsada!ย