PINAKAMALAKAS ANG KITA: sa First Week Incentive at Gems Incentive!
Ready ka na ba kumita ng MALAKI, Ka-Move It? Sa Move It Driver app 2.0, handog namin ang first week incentive at bagong GEMS incentive na magsisimula sa pagtanggap natin ng bookings dito sa May 20!ย
First Week Incentive
Bilang welcome sa ating Move It Driver app 2.0, regalo ng Move It ang espesyal na incentive sa unang linggo.
Mula May 20-28ย kumumpleto lang ng 25 online bookingsย para makakuha ng extra P2,500!ย
Ito ay para sa unang 500 rider-partners lamang, kaya abutin ang 25 rides target sa lalong madaling panahon! Kayang kaya ito!ย
Gems Incentive
Nandito na rin ang Move It GEMS! Isang pinadaling pag-track ng mga nakumpleto na rides na magiging basehan ng iyong incentives kada araw.ย
Ano ang GEMS at paano makakaipon nito?
Ang bawat ride, mapa-online booking o hail na makumpleto ay may katumbas na GEMS. Mas maraming maiipon na GEMS, mas malaking incentive!
Pwedeng paghaluin ang online booking at hail rides sa pag-ipon ng GEMS.ย
Kailangan ma-kumpleto ang target amount ng GEMS para makuha ang katumbas na incentive amount na makikita dito:ย
Tandaan na ito ay DAILY TARGETS. Ang GEMS na makukuha pagtapos ng isang araw ay hindi na mabibilang sa susunod na araw.
DISCLAIMER: Maaring magbago ang dami ng gems at corresponding incentive amount na iyong matatanggap kada linggo. Tingnan ang iyong Incentives page para sa update.
Kailangan mameet ang minimum completion rate para magqualify!
Bukod sa gems target, kailangan mapanatili ang minimum completion rate na 60%ย para maging eligible na makatanggap ng payout!ย
Completion Rate = Completed Bookings / Accepted Bookings
Saan ko mata-track ang bilang ng aking GEMS?
Para sa mas madaling at mabilis na pag-track, ang bilang ng GEMS ay makikita diretso sa Incentives page ng iyong Move It Driver app 2.0.ย
Makikita real time dito ang oras kung saan valid pa ang mga GEMS, at ang bilang ng Completion Rate para malaman kung ito ay qualified.ย
Hataw na sa rides para sa MAS MARAMING GEMS at MAS MALAKING INCENTIVE!ย
Paano makikita ang aking Earnings?
Sa Move It Driver app 2.0, mas madali na rin i-track ang iyong mga earnings.
I-tap lang ito sa Home Page:
Bubukas ang Earnings Page na naglalaman ng:
Earnings –ย kabuuang earnings daily at weeklyย
Credit Wallet –ย wallet na nilalagyan ng Top-Up para makatanggap ng booking. Sa tab din na ito makikita ang Cash Wallet kung saan papasok ang iyong cashless transaction.ย
Incentives –ย target incentives at qualification criteria para makuha ito
Kapag pinili mo ang Earnings, makikita ang breakdown nito daily at weekly. Excluded na rin ang commission sa bilang dito.ย
Paano mag-top up?
Kailangan i-top up ang iyong Credit Wallet para patuloy na makatanggap ng mga bookings. Ang minimum top up na kailangan ay P50.ย
May dalawang paraan para mag-top up, gamit ang account or PIN.
Para sa buong proseso ng pag-top up,ย bisitahin ang aming Help Centre article tungkol dito.ย
Paano mag-cash out?
Sa Cash Wallet page makikita ang tab na โTransfer to Accountโ, na ang ibig sabihin ay maaari mong ipasa sa GCash ang iyong pera, upang ito ay iyong ma-cash out.ย
Siguraduhing parehas ang name at mobile number ng GCash account na ili-link sa Move It Driver app 2.0 upang maiwasan ang problema sa payout.
Ma-reremit ang cash out request isang araw pagkatapos mo ito ma-request (e.g. Kung nagmamanual cashout ka mula sa Cash Wallet noong Monday, mareremit ito sa GCash sa Tuesday).
Para sa buong proseso ng pag-cash, bisitahin ang aming Help Centre article tungkol dito.
PWD/Senior/Student Discount
Simula May 24, para sa pagpabuti ng serbisyo sa ating mga pasahero at hikayatin sila sa pagsakay sa Move It, available ang discount sa PWD, Student at Senior sa pamamagitan ng promo code.ย
Kapag in-apply ito, mayroong 20% discount sa pamasahe ng pasahero, pero ang full fare pa rin ang matatanggap ng rider-partner.ย