‘Eto ang ilang mga paalala na dapat tandaan sa first week para solid at successful ang transition natin sa Move It Driver app 2.0!
Anong mangyayari ngayong ‘Dry Run’?
Idol, DRY RUN muna tayo ngayon ha. Ibig sabihin, te-testing muna natin ang bagong Driver app.
Simula ngayong May 20, kailangan mag-online sa PAREHONG old app at new Move It Driver App.
Ngayon din magsisimula ang pag-update ng Move It Passenger app para pumasok ang booking nila sa NEW Move It Driver App. Kaya asahan na unti-unti muna ang pagpasok ng bookings sa NEW Driver App sa mga susunod na linggo.
Service Areas at Booking Booths
May tip kami para sa’yo! Naghahanap ka ba ng pasahero? Make sure na ikaw ay nasa loob ng service area para pasukan ng online bookings.
Maaari rin tumungo sa ating booking booths para mag HAIL sa high-traffic areas!
First Week Incentives at Gems Incentives
Bilang welcome sa ating Move It Driver app, regalo namin ang espesyal na incentive sa unang linggo.
Mula May 20-28, kumumpleto lang ng 25 online bookings para makakuha ng extra P2,500!
Para sa buong proseso ng Gems incentives at iba pang topic tungkol sa earnings bisitahin ang:
Top Up Reminders
Ang minimum top up na kailangan sa iyong Credit Wallet upang makabiyahe ay P50.
May dalawang paraan para mag-top up, through account or PIN.
Maaaring bisitahin ang Help Centre para sa buong proseso ng top up.
Cash Out Reminders
Sa Cash wallet page makikita ang tab na “Transfer to Account”, na ang ibig sabihin ay maaari mong ipasa sa GCash ang iyong pera, upang ito ay iyong ma-cash out.
Siguraduhing parehas ang name at mobile number ng GCash account na ili-link sa Move It Driver App upang maiwasan ang problema sa payout.
Cut off sa pag transfer ng pera sa GCash:
- Weekdays 12pm
- Weekends/Holiday 8am
Ang pera na iyong nai-transfer ay papasok sa GCash the next day.
- Weekdays at 7pm
- Weekends/Holiday at 1pm
Maaring bisitahin ang Help Centre para sa buong proseso ng cash out.
Turn on Notifications
Para makatanggap ng notifications sa mga incentives, spot bonus, at iba pang updates, siguraduhin na naka-ON ang Communications channels.
Pumunta sa Account > Settings > Communications:
HATAW NA SA BIYAHE!
Maigi rin na i-review ang ating mga blogposts para all set na:
Kung magkaproblema rin sa app ay i-report ito sa Help Centre.
Ride safe, Ka-Move It!