PINAKAGWAPO ANG LOOK: sa swabe at mabilis na paraan ng pagkuha ng bookings!
Sa Move It Driver app 2.0, hangad namin ang swabeng overall experience ng ating mga rider-partners.ย
Para ready na makakuha ng bookings mula May 20, ito ang gabay sa ilang mga importanteng features na dapat tandaan:
Paano mag-online?
Ang online button ay mahahanap sa Home page. Sa Home page rin makikita ang ibaโt ibang features tulad ng Maps, Profile, Earnings, Hail feature, at iba pa.ย
Paano kumuha ng online booking?
Ito ang itsura ng screen kapag ikaw ay nakatanggap ng booking. Tandaan na kailangan pindutin ang Accept button bago matapos ang 30 secs timer.ย
Ano ang Auto-Accept feature? โ
Kung handa ka na tumanggap ng booking sa kahit anong oras, pwedeng i-turn on ang Auto Aceept feature para makapasok ang mga ito.ย
I-off naman ito kung hindi handa para hindi maapektuhan ang iyong Acceptance Rate.ย
Ano ang back to back jobs?
Ang back to back jobs ay isang bagong feature sa ating Move It Driver app! Maaari ka nang makatanggap ng booking habang ikaw ay in-transit. Tignan mabuti ang job card upang hindi malito sa booking.ย
TANDAAN: Kung Hail feature ang gamit, hindi makakatanggap ng back to back jobs dahil automatic na turned off ang iyong availability button.ย
Paano mag-hail booking?
Sa hail feature, kahit walang Move It app ang pasahero, pwede mo siyang i-book sa iyong Move It Driver app! Ito ay legal at safe dahil insured parehong rider at pasahero dito.ย
Makikita ang HAIL FEATURE sa app pagdating ng May 20. Mahahanap rin ito sa Home Page:
Ganito ang flow ng hail feature:ย
1. Si pasahero ay naghahanap ng hail ride.
2. Nakakita siya ng Move It rider na walang pasahero. โ
3. Bubuksan ng rider ang kanyang Move It Driver app at siya ang magbo-book ng pasahero.
4. Ang Move It rider at pasahero ay pupunta na sa location. โ
Para malaman ang buong proseso nito, mag-attend sa aming app training webinar. Pumili lang ng schedule kung kailan kayo ay available. (passcode: moveit123)
Service Areas
May tip rin kami sa inyo para maparami ang bookings!ย
Mabuting tumambay sa mga area na ito kung saan malaki ang demand ng pasahero.ย
Kung ang pick up o drop-off point ng pasahero ay nasa labas ng kasalukuyang service area, maaaring gamitin ang HAIL feature para ituloy ang ride.
Wag-magalala dahil sa susunod na mga linggo ay siguradong lalaki rin ang service area natin para maserbisyohan ang mas maraming pasahero! Tutok lang sa mga announcement namin dito.ย
Pwedeng-pwede rin tumungo sa ating mga booking booths, kung saan may Move It staff na mag-aasist sa iyo. Tignan ang buong listahan dito:ย