KA-MOVE IT SAFETY ADVISORY: VOLCANIC SMOG AND TAAL VOLCANO ALERT LEVEL 1
Itinaas ng PHIVOLCS ang Alert Level 1 sa Taal Volcano dahil sa bahagyang aktibidad nito. Ngunit paalala para sa lahat ang kasalukuyang Volcanic Smog o Vog na inilabas ng Taal Volcano sa mga areas malapit dito na umabot sa kalakhang Metro Manila. Nagdulot din ito ng mababang visibility sa mga kalsada at daanan sa Metro Manila.
ย
Ang Volcanic Smog o Vog ay maaaring magdulot ng iritasyon sa mga mata, lalamunan, respiratory tract, pati iritasyon sa balat na maaring maging malubha depende sa concentration o tagal ng pagkalanghap/exposure. Pag-iingat ang kailangan mga Paps!
ย
Narito rin ang ilang tips para hindi mapinsala ng VOG ang iyong kalusugan at iyong sasakyan:
- Protektahan ang sarili sa pamamagitan ng pagsuot ng face mask (N95 ay advised), at goggles kung nasa labas para hindi makalanghap at ma-expose sa usok at abo mula sa VOG dahil maaaring magdulot ito ng masamang epekto sa iyong kalusugan. Magsuot ng long sleeves para hindi ma-expose sa smog at mairita ang iyong balat.ย
ย
- Kung nasa biyahe, mag ingat sa pagmamaneho dahil reduced visibility dahil sa volcanic smog.ย
ย
- Uminom ng maraming tubig upang mabawasan ang anumang pangangati o paninikip ng lalamunan.ย
ย
- Iwasan ang exposure sa volcanic smog kung ikaw ay kasama sa high-risk individuals gaya ng mga taong may: respiratory conditions gaya ng asthma, allergy and skin conditions, senior citizen, o immunocompromised.
ย
- Kung sumama ang pakiramdam o nakaranas ng severe irritation dahil sa exposure, kumonsulta agad sa inyong doktor o pinakamalapit na healthcare provider.ย
ย
- Laging maging alerto at maging una sa balita dahil sa maaaring pagbabago o updates.
Basahin ang mga karagdagang balita sa mga link na ito at manatiling updated!ย