‘Di biro ang araw-araw na pag-commute sa Metro Manila.
Mahabang pila, at nagsisiksikang sasakyan. Madalas, kailangan mo munang magdagdag sa rider PARA makasakay.
Naniniwala kami na ang mga malalaking pagbabago ay kayang magsimula sa amin. Kaya sa darating na APRIL 1, hatid ng MOVE IT ang 7 TAOS-PUSO (at WALANG BIRO) na mga pangako para mas mapaunlad ang Mototaxi commuting para sa lahat.

7 na Taos-Pusong (at Walang Birong) Pangako
1. NAIS NAMIN IBIGAY ANG PINAKA-MURANG RIDE PARA SA INYO.
Mas mura sumakay sa MOVE IT base sa presyo kada kilometro. Araw man o gabi. Kung may makita kang mas mura, pwede kang mag-file ng claim sa aming website at bibigyan ka namin ng voucher para sa fare difference.
2. WALANG HIDDEN CHARGES AT KLARO ANG PROMO SCHEMES.
Klaro lahat. Di kailangan maging math expert para maintindihan ang promo at fares namin.
3. MAG-TIP LANG KUNG MASAYA, HINDI PARA MAKASAKAY.
Mag-tip ka lang kung masaya ka saming serbisyo. Kung ang mga drivers namin ang humihingi ng tip bago magsakay, mag-DM kayo sa amin: @moveitphil on FB.
4. PRESYONG SWAK SA LEGAL NA FARE PRICE, WALANG PASOBRA KAHIT KONTI.
Nakasaad sa batas na merong recommended fare matrix per kilometer sa motorcycle taxi rides. Sa MOVE IT, walang palihim na dagdag kahit piso sa mga long distance na byahe niyo. Meron kaming kilometer breakdown sa resibo para pwede niyong i-check ang tapat na pamasahe para sa trip niyo. Â
5. LAGING KALIGTASAN ANG UNA SA LAHAT KAHIT SA HABAL-HABAL NA PAMARAAN.
Kailangan ng mas ligtas na mototaxi hailing sa panahon ngayon. ‘Di sapat ang 99.9% safe kung may 4 na tao ang nabawian ng buhay dahil sa mototaxi hailing ng nakaraang 90 na araw. Sa MOVE IT, kahit ang habal-habal mo ay insured at naka-track ang iyong byahe para siguradong nasusunod ang mga safety laws.
6. TOTOO KAMI, SA TOTOO LANG. Itaga niyo man po sa bato.
Para samin, walang maliit o malaking kasinungalingan. Nagsisimula pa lang kami at kung sakaling magkamali man, hihingi kami ng tawad at itatama ang mali.
7. LAGING NAGSUSUMIKAP PARA MAS MAPABUTI ANG SERBISYO NAMIN.
Kung maganda ang serbisyo ng MOVE IT sa bawat Pilipino, naniniwala kami sa huli na pasahero ang panalo.

Milyong tao ang apektado sa araw-araw na problema sa commuting.Â
Kaya ba ng isang mototaxi company na meron lang 3% ng total app downloads, ang magsimula ng pagbabago?
Kung mabibigyan ng pagkakataon,Â
kakayanin.

Nangangako,
Mga Empleyado ng Move It. APRIL 1, 2023. No Joke