
Ano ang Ka-Move It Rewards?
Ang Ka-Move It Rewards ay isang rewards program para sa mga active rider-partners ng Move It. Ang layunin nito ay mabigyang-gantimpala at motibasyon ang mga Ate at Kuya ng Kalsada na araw-araw na nagsisikap sa biyahe.
Kung mas maganda ang performance ng isang rider, mas mataas ang tier at mas malaki ang rewards na makukuha nito.
Basahin ang guide na ito para mas maintindihan kung paano ito gumagana!
Paano ito gumagana?
Ang bawat cycle ng Ka-Move It Rewards ay magtatagal ng apat (4) na linggo simula September 1. Sa oras na ito ay kailangan makumpleto ng rider ang target rides base sa kanilang tier para makuha ang mga rewards.
- May apat na tier sa Ka-Move It Rewards: 1) Member, 2) Silver, 3) Gold, at 4) Platinum. Mas mataas ang tier, mas malaki ang rewards!
- Ang iyong tier ay base sa iyong performance o bilang ng completed rides sa Move It platform.
- Kada apat (4) na linggo ay magbabago ang iyong tier base sa iyong performance.
- Oras na para i-enjoy niyo ang mga rewards, Ka-Move It! Bawat reward ay may kalakip na instructions para maayos na ma-claim ito. Para malaman paano i-claim ang iyong rewards, basahin ang gabay sa ibaba.
Target Requirements
Ngayong September 1-30, eto ang mga targets na dapat abutin:

TANDAAN:
- Lahat ng bagong rider na papasok sa Ka-Move It Rewards program ay magsisimula sa Silver tier.
- Maaaring mabigyan ng warning ang mga hindi makakahit ng Member requirement. Kapag hindi pa rin nagperform ng mabuti ang rider, maaari itong humantong sa deactivation.
- Maaaring magbago ang mga targets. Bisitahin ang blog na ito para sa mga updates.
Job Card Tracking
Mas madali na ngayon ang pag-track ng bilang ng rides dahil makikita na ito diretso sa Job card sa loob ng Incentives page ng app!





*Sample photos only.
Rewards
Bilang gantimpala sa iyong pagsisikap, available sa Ka-Move It Rewards ang mga rewards tulad ng gas, medical, mobile load, at grocery items! Mas mataas ang tier, mas mataas ang rewards kaya mainam na magsipag upang makumpleto ang mga rides.

Paano i-redeem ang rewards?
Para ma-enjoy ang iyong rewards, sundan ang gabay para maayos na ma-claim ito:
Registration and Redemption
Kapag qualified sa incentive, makakatanggap ang rider ng SMS mula sa Phoenix kapag pumasok na ang mga e-vouchers. Kailangan gamitin ang Limitless app para makuha ito.
Kung wala pang Limitless account, sundan ito:
- I-download ang Limitless app at gumawa ng account (Sundan ang gabay na ito) Gamitin ang email at mobile number na ginamit sa Move It account. Referral code: MOVEIT2023
Kung may Limitless account na pero hindi registered gamit ang MOVEIT2023 referral code, sundan ito:
- Tumawag o mag-email sa Phoenix Customer Support upang i-request ang re-tagging sa Limitless account:
- Globe – 0917 127 6914 (to 6916)
- Smart – 0998 598 0715 (to 0717)
- Email – [email protected]
Voucher redemption:
- I-redeem ang e-voucher sa loob ng 1 buwan mula sa pagtanggap.
- Sundan ang gabay na ito para makita ang e-voucher sa iyong Limitless account.
- Pumunta sa Phoenix stations at ipakita lamang ang QR code sa attendant.
- Kapag ginamit ang e-vouchers, “Transaction slips” ang makukuha at walang official receipt na matatanggap.
Mechanics
- Kailangan magamit ang e-voucher sa loob ng isang (1) buwan mula sa pagkakuha.
- Kung hindi na-download ng rider ang app sa loob ng 30 days mula sa pagkuha ng SMS, automatic na mag-eexpire ito.
Registration and Redemption Process
- Ang SMS code ay ipapadala ng Move It kapag eligible ang rider dito
- Para ma-redeem ang voucher, gumawa at mag-register ng KonsultaMD account. Gamitin ang email at mobile number na ginamit sa Move It account.
- I-redeem ang voucher code gamit ang KonsultaMD App
- Sundan ang gabay na ito para mag-register at mag-redeem
Mechanics
Kapag na-activate na ang voucher code sa app, may isang (1) buwan na pwede itong gamitin bago mag-expire.
Registration Process
- Ang lahat ng riders sa Ka-Move It Rewards ay kailangan gumawa ng Grab passenger account. Gamitin ang email at mobile number na ginamit sa Move It account.
- Ang promo ay makikita sa Grab account sa linggo pagkatapos ng cycle.
Load Redemption Process (Sundin ang gabay na ito)
- Buksan ang Grab app at i-tap ang “Load”.
- Piliin kung “Mobile Credit” o “Mobile Data” ang gustong bilhin.
- . I-confirm kung tama ang mobile number at Mobile Provider.
- Pumili ng load amount o mobile plan.
- I-tap ang “Browse All Rewards” at “i-apply” ang iyong special promo code.
- I-tap ang “Pay”.
GrabFood Redemption Process (Sundin ang gabay na ito)
- Buksan ang Grab app at i-tap ang “Food”.
- Pumili ng GrabFood merchant.
- I-tap ang mga gustong i-order at i-click ang “Add to Basket”.
- Kapag tapos na mag-order, i-click ang “Use Offers to get discounts” at “i-apply” ang iyong special promo code.
- I-tap ang “Place Order” at hintaying dumating ang iyong order.
GrabMart Redemption Process (Sundin ang gabay na ito)
- Buksan ang Grab app at i-tap ang “Mart”.
- Pumili ng GrabMart merchant.
- I-tap ang mga gustong i-order at i-click ang “Add to Basket”.
- Kapag tapos na mag-order, i-click ang “Use Offers to get discounts” at “i-apply” ang iyong special promo code.
- I-tap ang “Place Order” at hintaying dumating ang iyong order.
Registration and Redemption Process
- Ang SMS code ay ipapadala ng Generika kapag eligible ang rider dito.
- Maaring i-redeem ang reward sa dalawang paraan, in-store at on-app. Sundan ang gabay nito:
a. Paano i-redeem in-store
b. Paano i-redeem on-app
Mechanics
Ang balance ay valid sa loob ng tatlong (3) buwan sa oras ng pag-redeem. Kung hindi ito magamit, ito ay mag-eexpire.
Kung walang transaction sa wallet balance ng rider sa nakaraang buwan, hindi makakakuha ng credits ang rider sa susunod na buwan kahit naka-hit ito ng eligible tier.
Ang credits ay maaaring idagdag kada buwan, pero mainam na gamitin ng rider ito para hindi mag-expire.
Redemption Process
- Ang mga eligible driver ay makakakuha ng SMS na kailangan i-present para i-claim ang (1) Move It Jersey Long Sleeve Shirt.
- Makikita sa SMS ang lugar, oras, at claiming period kung saan makukuha ang shirt.
FAQ
Makikita ang number ng completed trips sa Job card sa loob ng app.
Sa umpisa ng bagong cycle, magpapadala ang Move It ng notification tungkol sa iyong bagong tier.
Ang lahat ng bagong rider ay magsisimula sa Silver tier.
Walang separate application upang maging eligible sa Ka-Move It Rewards. Kasali lahat ng active Move It riders, at lahat ng bagong rider ay magsisimula sa Silver tier.