Ka-Tropa, bilang paghahanda sa Barangay at SK Elections ngayong October 30, nais naming ipahatid ang ilang paalala.ย
Bilang mga Pilipino, mayroon tayong tungkulin sa ating bansa na i-exercise ang ating karapatang makaboto. Tayong lahat ay malayang ine-engganyo na makilahok sa nalalapit na botohan.ย
Dahil nais nating manatilingย safe at professional ang ating platform, mayroon tayong mga policies na dapat sundin para masiguro nating manaigย ang respeto sa bawat isa, mapa rider-partner man o pasahero.ย
ELECTION GUIDELINES
Ngayong election season, ito ang ilang guidelines para mapanatili nating safe at propesyonal ang ating platform.
Paalala habang online o nasa biyahe
1. Ipinagbabawal ang ang paggamit ng chat feature o SMS para tahasang ikampanya ang napupusuang kandidato.
Hindi dapat gamitin ang chat feature sa pagpapadala ng mga mensaheng politikal o pangangampanya sa ating mga passengers at CS.
2. Pagsusuot ng anumang kagamitang may political message, o endorsement ng kandidato habang nasa biyahe.
Kabilang dito ang pagsusuot ng mga t-shirt, pin, o items na may pangalan ng kandidato.ย
Mahigpit ring ipinagbabawal ang pagdidikit ng kahit anong campaign paraphernalia gaya ng campaign stickers sa anumang parte ng iyong gears, at sa sasakyan o motor na ginagamit para sa pagbiyahe with Move It.
3. Paano kung ang passenger o CS ang nagsimula ng politikal na usapan habang nasa biyahe o sa chat?
I-mungkahi sa passenger o CS na mas mabuting iwasan ang pag-comment sa topic upang maiwasan ang komprontasyon. Maging mahinahon at marespeto pa rin.ย
ย 4. Paggamit sa pangalan ng Move It upang mangampanya ng isang kandidato.ย
Iwasan magpahayag o mag-post ng politikal na mensahe na gamit ang pangalan ng Move It.
Halimbawa: โMove It Riders for Candidate Juan Dela Cruz.โ
Political posts sa official Move It groups o pages
1. Anu mang uri ng political posting o tahasang pang iinsulto sa sinumang kandidato sa opisyal na Move It groups or pages.
Bilang Move It rider-partners sinasalamin ng bawat kilos mo ang ating platform.
2. Paggamit ng hindi magandang pananalita, o pakikilahok sa mga hindi magandang diskurso sa kapwa Move It riders o pasahero
Political posts sa kahit anong OFFICIAL Move It groups at channels AY IPINAGBABAWAL. Maging sa mga ibang Facebook group, siguraduhing maging magalang sa diskurso tungkol sa inyong mga pulitikal na pananaw. Tandaan, kahit nasa ibang grupo o social media kayo, at nalaman ng mga tao na Move It rider ang tahasang hindi rumespeto sa iba, sasalamin ito sa buong Move It community. Gusto ba natin yun, Paps?
Alagaan natin ang reputasyon at kabuhayan ng nakararami. Mag-isip bago gumawa o magbitaw ng hindi kanais-nais na salita. Tandaan: Iwasan ang online bardagulan!
Political post sa personal social media accounts
1. Paggamit ng profile pictures o pag-post ng campaign photos bilang suporta sa kandidato habang suot ang kahit na anong identifiable Move It -branded na merchandise, official man o hindi.
Halimbawa: MI Shirt , MI Helmet, MI long sleeves etc.
2.Paggamit sa pangalan ng Move It upang ikampanya ang kandidato o political party sa social mediaย
Pinapahalagahan natin ang FREEDOM OF SPEECH para sa lahat. Karapatan nating magpahayag at mag post ng politikal na paniniwala ang pangangampanya sa kahit anong platform.ย
Kung mangangampanya ng iyong kandidato, siguraduhin na hindi ito maiu-ugnay sa pagiging isang Move It rider mo. ย Huwag magsuot ng Move It merchandise sa kahit anong photo o post para ikampanya ang iyong kandidato.
Aktibong politikal na pangagampanya sa lansangan habang nakasuot ng kahit anong Move It merchandise o identifier
Hindi ipinagbabawal ang iyong pagsali sa anumang politikal na rally o caravan dahil sakop ito sa iyong karapatan sa Freedom of Speech.ย
Ngunit ipinagbabawal ang paglahok sa mga rally o caravan HABANG NAKASUOT ng kahit anong Move It merchandise o gear.
PENALTIES SA PAGLABAG
Sa ating Code of Conduct, mayroong mga policy na nakasaad tungkol sa hindi tamang pagsasaad ng political views. Mayroong mga infringement categories at kaakibat na penalty.
Updated policies under: "Respect our Move It Users"
โPagkumento tungkol sa lahi, relihiyon, nationality, political views, disability, sexual na orientasyon, gender, edad o anumang katangian ng ibang tao mapa-verbal, text, tawag, o social media man.โย
Halimbawa nito ang pagkumento ng “Supporter ka pala ni____?” o “Bakit iboboto mo po si ___ Maโam eh wala naman ginawa yun?”
1st Offense: Interview and Suspension of 3 days.
2nd Offense: BAN
Updated policies under: "Be a Good Kuya ng Kalsada"
โMga demonstrasyon laban sa Move It o sa gobyerno, pagdalo sa mga political rally o pangangampanya habang kinikilala ang sarili bilang isang Move It rider (kung online man o wala sa platform), pagbabahagi ng maling impormasyon o anumang aksyon na makakaapekto sa reputasyon ng Move It.โ
1st Offense: Interview and Suspension of 5 days.
2nd Offense: BAN
Ngayong panahon ng eleksyon, patuloy naming hinihikayat ang aming mga consumers, driver-partners, at merchants, na manatiling magalang, mapag-unawa, at makatao.
Iba-iba man ang ating mga pananaw, pare-pareho tayong umaasa para sa isang mapayapang halalan at magandang kinabukasan para sa ating bansa.ย
ย