
Good news, Ka-Move It! Simula July 3, available na ang My Destination sa iyong Move It Driver app!
Ibig sabihin ay pwede ka nang makatanggap ng bookings papunta lamang sa destination na iyong ise-set. Maximized na ang oras, maximized pa ang kita!
HALIMBAWA: Kapag sinet mo ang Makati sa My Destination, posibleng makakuha ka lang ng bookings na dadalhin ka sa direksyon ng Makati.
Ano ang benepisyo ng pagkakaroon ng My Destination?
Sa My Destination, maximized ang iyong oras!
Sa umaga ay pwedeng i-set ito papunta sa high demand area tulad ng Makati, Ortigas at BGC para mas makarami ng bookings. Sa gabi naman pwede i-set ito papunta sa inuuwian para humabol pa sa bookings at hindi masayang ang oras.
Paano gamitin ang My Destination?
- I-click ang “More” sa driver app menu.
- Makikita ang option ng “My Destination“. I-click ito.
- I-type ang address ng destination na gusto mong i-set. Maaaring pumili sa address suggestion.
- Lalabas ang notification na hindi eligible sa incentives ang My Destination jobs.
- Pagkatapos i-click ang “Got it“, ma-eenable na ang My Destination sa app mo.


Ano ang mga dapat tandaan sa My Destination?
- Hanggang 2 beses lang ito pwede gamitin bawat araw.
- Hindi kabilang sa incentives ang mga rides na natanggap habang naka-ON ang My Destination.
- Hindi ginagarantiya ng My Destination feature na makakakuha ka ng bookings.