Paps, para kanino ba tayo bumabyahe?
Syempre, para kay misis o mister, junior o mahal nating kapamilya! Kaya naman ngayong July 12, sama-sama nating ipagdiwang ang Funmilya Day sa Enchanted Kingdom!
May limited slots ang ating Ka-Move It rider-partners para makisaya sa fun activities, performances at regalo na ma-eenjoy ng buong pamilya!
Kailangan lang kumpletuhin ang ating rides challenge at maging isa sa mga top performers upang maging eligible na makisali! Eto ang mga detalye:
STEP 1: HUMATAW SA RIDES CHALLENGE
Ang basehan ng invite sa Funmilya Day sa Enchanted Kingdom ay ang performance ng Move It rider-partner mula June 26-30.
MECHANICS:
- Eligible ang 100 top performing rider-partners na may pinakamaraming ONLINE BOOKING mula June 26-30
- May minimum rides requirement na 40 online bookings mula June 26-30 para maging eligible
- Kailangan na pasok ang performance sa criteria na ito:
a. Completion rate na katumbas ng o mas mataas sa 60%
b. Star rating na katumbas ng o mas mataas sa 4.6
TANDAAN: Hindi ibig sabilhin kapag “QUALIFIED” ang nakalagay sa job card ay pasok na agad sa ride challenge. Dahil ang top performers ang pipiliin, dadaan pa ito sa verification.
STEP 2: ABANGAN ANG CONFIRMATION
Abangan ang SMS confirmation by July 5 kung nakakuha ng slot sa Funmilya Day sa Enchanted Kingdom, at iba pang detalye ng event na ito.
Exciting diba? Hataw na sa rides, mga Ka-Move It!
FAQs
May mga tanong pa? Basahin ang guidelines na ito:
Paghanda ng mga Kagamitan: Tiyaking meron kayong mga kagamitang kailangan para sa isang maginhawang Family Day. Ito ay maaaring kasama ang mga sumusunod:
Dress Code: Magsuot ng kumportableng damit na angkop sa loob ng Park.
Sunscreen: Isang malaking tulong na magdala ng sunscreen upang maprotektahan ang inyong pamilya mula sa init ng araw.
Payong: Sa pagkakataon na umulan, magdala ng payong upang mapanatiling tuyo at kumportable ang inyong pamilya.
Mga tuwalya at extrang damit: Magdala ng sapat na tuwalya, extra damit, o pamalit kung kinakailangan.
Magdala ng Valid na ID: Siguraduhing mayroong mga valid na ID kung ito kailanganin sa araw ng event.
Kumpirmasyon ng pagrehistro: Tiyaking ipakita ang confirmation message ng inyong partisipasyon at Driver App sa araw ng event.
Pagsasaayos ng Oras: Siguraduhing dumating sa tamang oras kung ikaw ay sasabay sa Bus sa napiling Pick-up at Drop off Location upang hindi magka-abala o maiwan.
Kumain bago pumunta sa Pick-up Location: Upang mapanatiling energized ang inyong pamilya sa buong araw.
Personal Belongings: Ang lahat ng personal na gamit ay dapat pangalagaan. Ang Move It, Enchanted Kingdom at ang Events Agency ay hindi mananagot sa anumang pagkawala o damage sa personal na gamit. Iwasan ang pagdadala ng mabigat na bagahe o mahahalagang gamit na hindi kailangan.
Higit sa lahat, paghandaan ang araw na puno ng kasiyahan. Ihanda ang sarili at ang inyong pamilya upang mag-enjoy, mag-explore, at magbuo ng mga masayang alaala sa Funmilya Day 2023.
1. Ano ang mga makakukuha ko sa araw ng Funmilya Day 2023?
- Regular EK Pass: allows unlimited use of the Park’s favorite rides: Space Shuttle, Jungle Log Jam, Swan Lake, Up Up & Away, Roller Skater, Dodgem, Wheel of Fate, Anchors Away, Bump N’ Splash, Rialto, Rio Grande Rapids, Flying Fiesta, Grand Carousel, Bouncing Boulders, Bumbling
Boulder, Air Pterodactyl, Stone Eggs, Dino-soar-us, Boulderville Express, EKstreme Tower Ride, Disc- O-Magic, Air Race and AGILA, The EKsperience, and Twin Spin.
- 200 Wizard Money: Maaring gamitin pambili ng pagkain at merchandise sa loob ng Enchanted Kingdom
- Food Stubs
2. Pick-up Time at Location
- PITX, Paranaque City
- Luneta Grand Stand, Manila
- Vertis North, Quezon City
- Quezon City Memorial Circle
- South Station, Alabang, Muntinlupa
- SM Marikina
- Puregold Valenzuela
3. Maaari bang magpalit ng Pick-up at Drop-off Location?
Hindi na maaaring magpalit kung ikaw ay nakapag-sign up at nag-confirm na sa lokasyon na iyong napili.
4. Mayroon akong additional na kasama sa Bus bukod sa aking kinumpirmang attendees.
Hindi maaaring magdagdag ng additional na kasama sa sasabay sa Bus sapagkat limitado lamang ang bilang ng upuan at nakareserve na ang mga ito sa ibang registered Rider-Partner.
5. Ako ay hindi makakapunta sa kung anong dahilan, maaari bang ibang tao na lamang ang gumamit ng aking ticket?
Ang iyong slot ay nakareserve para sa iyo at iyong pamilya na ni-register lamang. Ito ay hindi puwedeng maaaring ibigay sa iba.
6. Maaari bang palitan ng cash or ibang ticket sa ibang araw kung ako ay hindi makakapunta?
Ang iyong ticket ay hindi convertible to cash at ‘di na puwedeng gamitin sa iba pang araw.
7. Mayroon bang age requirements?
Kung maaari, isama lamang ang mga batang may edad 7 -65 at siguraduhing sila ay physically fit. Kung may dalang mga batang below 7 years old, mag-ingat at tandaan ang mga patakaran sa bawat atraksyon. Alamin ang limitasyon upang hindi mapahamak o masaktan sa mga activities o atraksyon sa loob ng park.
8. Maaari bang magdala ng pagkain at inumin sa loob ng Park?
Ipinagbabawal ang pagdala ng sariling pagkain at inumin bukod sa tubig sa loob ng Enchanted Kingdom. May mga available na kainan at tindahan na nag-aalok ng mga pagkain at inumin na maaaring pagbilhan gamit ang iyong 200 Wizard Money.
9. May libreng pagkain at inumin ba sa loob ng bus?
Ang bawat pamilya ay mabibigyan ng AM Snack Pack (Mamon, biscuit at tubig) na maaring kainin sa Bus.
10. May libreng pagkain ba sa loob ng Enchanted Kingdom?
Ang bawat pamilya ay magkakaroon ng Food Stub base sa kumpirmadong bilang ng iyong pamilya:
- Packed Lunch (Max of 3 Stubs)
- Snacks (Max of 3 Stubs)
- Ice Cream (Max of 3 Stubs)
- Cotton candy (Max of 1 Stub)
11. Kung may gusto akong isama, maaari ba silang magwalk-in?
Ang bawat Ka-Move It ay mayroong (3) tatlong free EK tickets. Kung nais magdagdag ng kasama na labas pa sa iyong dalawang (2) niregister, maaari kang bumili ng DISCOUNTED ticket sa Enchanted Kingdom sa araw ng event:
- Junior Day Pass Php 770 (36″ – 47″)
- Adult Pass Php 880 (48″ – pataas)
Paalala: Ipakita ang confirmation message at Valid ID upang ma-avail ang discount.
12. Ako ay mayroong Yearly EK Pass. Maaari ko ba itong gamitin?
Para sa araw ng event, hindi maaaring magamit ang special pass na ito.