
Napapadalas na naman ang masamang panahon kaya hindi talaga maiiwasan ang pagsilong muna habang nagpapatila ng ulan.
Handa ka ba sa mga gantong sitwasyon, Ka-Move It?
Biyahe Tips 'Pag Maulan
Kung ikaw ay maaabutan ng malakas na ulan, maaaring sumilong saglit sa ilalim ng overpass, flyover o tulay upang ISUOT LAMANG ang iyong rain gear. Iwasan ang pagtigil nang matagal upang di makasagabal sa ibang mga dumadaan na sasakyan.
Para na rin sa iyong kaligtasan, mas mabuti na ika’y sumilong sa emergency motorcyle lay-by areas ng MMDA:
- Quezon Ave
- GMA Kamuning
- Kamias
- Santolan/Crame
- Ortigas
- Buendia
- Tramo (left turning)
- Roxas Boulevard – EDSA Flyover

Simula Aug 1 (Martes), magpapataw na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng Php1,000 na multa sa mga mahuhuling nakatambay sa ilalim ng overpass/footbridge. Ito ay alinsunod sa Republic Act (RA) 4136 Section 54 o ang Obstruction of Traffic na sinisigurong walang nakaharang sa daan upang patuloy ang daloy ng trapiko.
Sakaling magkaroon ng aksidente o anumang emergency habang nasa kalsada, i-dial ang 9-117para i-alerto ang Philippine National Polica (PNP) o ang 9-136 para tawagan ang road emergency hotline ng MMDA.
Ingat sa biyahe! Ride safe, Ka-Move It!