May tanong tungkol sa Express Saver, Ka-Tropa?
Kasabay ng paglunsad ng Express Saver by Grab last week ang ilang mga tanong tungkol sa feature na ito. Para mas matulungan kayo ng maigi, pinagsama namin ito at binuo ang isang listahan para magbigay linaw sa inyong mga duda. Hangad namin na mas ma-maximize niyo pa ang feature na ito para sa mas malaking kita!
Basahin ang mga topic na ito para sa iyong concern:ย
BOOKINGS AT COVERAGE
ANO ANG COVERAGE NG EXPRESS SAVER BY GRAB?
Sa ngayon, ang Express Saver by Grab ay available sa Metro Manila. Optional ito! Pwede i-on kapag gusto ng dagdag kita. I-off kapag gusto mag focus sa paghatid ng tao.
MAKAKAKUHA BA AKO NG EXPRESS SAVER BY GRAB BOOKING KUNG MERON AKONG MOTOTAXI BOOKING?
Hindi, papasok lamang ang delivery booking kapag wala kang current trip, mapa Mototaxi man ito o Express Saver.
MASASAMA BA ANG EXPRESS BOOKING KUNG NAKA-AUTO ACCEPT AT B2BJ AKO?
Opo, kung naka-on ang iyong Express Saver taxi type, maaari kang makakuha ng magkasunod na Mototaxi booking at Express Saver booking o vice versa.
KITA AT INCENTIVES
KAMUSTA ANG KITA SA EXPRESS SAVER BY GRAB?ย
Kung fares ang pag-uusapan, sinisigurado namin na competitive ang presyo ng Express Saver by Grab kumpara sa mga Mototaxi at iba pang delivery service.ย
Tuloy-tuloy rin ang pag-promote ng feature na ito para mas mapalakas pa ang demand. Nagsimula na kami sa mga marketing efforts para mas maraming tao pa ang makalaman nitong service at lalo itong tangkilikin.ย
COUNTED BA ANG RIDES NA NAGAWA SA EXPRESS SAVER BY GRAB SA KMR AT INCENTIVES?ย
Opo! Counted ang parehong Mototaxi at Express Saver rides sa KMR at Incentives. May katumbas na gems rin ang bawat Express Saver ride.ย
ILANG GEMS ANG NAKUKUHA SA EXPRESS SAVER BY GRAB?ย
15 GEMS ang nakukuha sa kada nakumpletong delivery.ย
MAAPEKTUHAN BA ANG AKING QUALITY RATING?ย
Oo, dahil counted ang parehong Mototaxi bookings at Express Saver by Grab bookings sa pag-compute ng iyong completion at acceptance rate. Kaya siguraduhin 5-star palagi ang service, paps!ย
MAY VALID CANCELLATION BA KAPAG LAGPAS NG 25KG ANG ITEMS NA IPAPADALA?
May option na cancellation kapag lagpas 25kg ang items na ipapadala, pero sa ngayon maaari itong makaapekto sa cancellation rate. Wag mag-alala dahil inaaral ni Move It ang lahat ng valid cancellations at mag-uupdate kami ukol dito.ย
OTHER CONCERNS
PAANO ANG MGA WALANG DELIVERY BAG?
Kailangan siguraduhin ng rider-partner na sila ay may kakayanan na gumawa ng deliveries kapag nag-turn on ng Express Saver feature. Maaaring bumili rin ng bag sa Grab Shop, pero optional ito.
SAGOT BA NG CUSTOMER ANG PARKING FEE SA IBANG ESTABLISHMENT?
Opo, siguraduhing malinaw ang pagkabanggit nito sa sender para walang aberya sa pagdagdag ng additional charge bago i-complete ang booking.
SAAN NAMIN LALAGAY ANG EXTRA HELMET IF MAY 25KG KAMING DALA SA BAG?
Kapag naka-on ang parehong Express Saver at Mototaxi, kailangan na siguraduhin na may kakayanan ang rider-partner na gumawa ng rides na ito. TANDAAN: Optional ang Express Saver, pwede ito i-off kapag kinakailangan.
MAY INSURANCE BA ANG EXPRESS SAVER?
Covered ang Express Saver rides sa insurance na provided by Move It. Kung may problema sa kalagitnaan ng iyong ride, i-contact kaagad ang Safety Centre para ma-resolbahan ang issue.
UPANG MAIWASAN ANG ILLEGAL DRUG INVOLVEMENT, ALLOWED BA NA BUKSAN ANG SEALED ITEM NG CS?
Kung ilegal o may senyales na kaduda-duda ang items ng CS, pumunta sa pinakamalapit na police station o barangay hall para i-report ito.
Ito ang ilang guidelines ukol dito:
Kung may iba pang tanong sa Express Saver na hindi nasagot dito, wag mag-alinlangan na i-report ito sa ang ating Help Centre. Ride safe, Ka-Tropa!