Safety mo ang priority.
Maging handa at alerto sa baha at malakas na hangin. Siguraduhing safe ka at ang iyong pamilya.
Stay safe sa daan, mga Ka-Move It!
BEFORE A TYPHOON
Alamin ang balita ukol sa panahon at safety advisories.ย
Alamin ang plano ng komunidad tungkol sa warnings at evacuations.ย
Suriin ang bahay at i-repair ang mga mahina/sirang bahagi nito.ย
Ihanda ang GO BAG na naglalaman ng essentials ng pamilya.ย
Ilakas ang mga alagang hayop papunta sa ligtas na lugar.ย
Kapag inabisuhan ng kinauukulan, mabilis na lumikas sa itinakdang evecuation center.ย
DURING A TYPHOON
Manatiling mahinahon at mag-stay sa loob ng bahay o evacuation center. Makinig sa latest na balita at lagay ng panahon.ย ย
Patayin ang main switch ng kuryente at valve ng tubig.ย
Gumamit ng flashlight o emergency lamp. Maging maingat sa paggamit ng kandila o gasera.ย
Umiwas sa mga bintanang may salamin.ย ย
AFTER A TYPHOON
Hintayin ang abiso ng kinauukulan kung ligtas na bumalik sa tahanan.ย
Umiwas sa mga natumbang puno, nasirang gusali at linya ng kuryente.ย
Huwag gumala upang hindi maabala ang emergency services.ย
Maging maingat sa pagsasaayos ng mga nasirang bahagi ng bahay.ย
Siguraduhing walang basa o nakababad na outlet at kagamitan bago buksan ang linya ng kuryente.ย
Itapon ang mga naipong tubig sa lata, paso, at gulong upang hindi pamahayan ng lamok.ย