Sulit ang oras sa kalsada sa Power Pasada! Level Up ang kita dahil sa rebates kapag bumiyahe ng tuloy-tuloy at na-hit ang targets!
Frequently Asked Questions (FAQs)
Pwede mag-reserve ng slot sa iyong Booking Planner.
- Mag-reserve ng slot sa planner
- Naka-on ang Auto Accept sa duration ng streak
- Magsimula sa designated location at bumiyahe sa loob ng oras ng streak
- I-hit ang minimum target rides at quality criteria
Limited lang ang slots per streak schedule kaya ugaliin na i-check ang iyong Booking Planner.
At least (2) oras bago magsimula ang Streak, basta may available pang slots.
Pero makikita agad ang slots sa iyong booking planner isang araw bago ang Streak para makapag-reserve ng slot at maplano ang iyong pasada.
Minimum 3 hours ang streaks
Iyon ang oras o window kung kailan ka dapat magsimula ng streak.
For example:
- 7:00AM-8:00AM → ito ay window lang kung kailan ka maaari magsimula sa designated location
- Kung 7:30AM ka nagstart, ang streak mo ay hanggang 10:30AM.
Hindi ka na eligible sa streak at may makikitang notification ukol dito kapag nagsimula.
Hindi ka magiging eligible sa rebates o cashback.
Ang cashback ay mag-aapply sa bawat booking basta na-hit ang targets sa loob ng streak. Ito ay matatanggap ng buo kinabukasan sa iyong Driver Wallet.
Naka-indicate sa streak ang designated location kung saan ka dapat magsimula.
PRO-TIP: Planuhin ng maaga ang pasada! Magpunta sa designated location bago magsimula ang streak schedule para maximized ang byahe.
Counted pa rin iyon sa streaks. Ang unang booking mo lamang ang dapat nasa designated location.






