Ka-Move It Puso sa Paglalakbay 2025

Happy Love Month, Ka-Move It!

Salubungin natin ang Buwan ng mga Puso nang puno ng regalo at pagmamahal! May nakahandang surpresa na magpapasaya sayo kasama ang iyong mahal sa buhay. Huwag palampasin ang pagkakataon na ito at sama-sama nating ipagdiwang ang pagmamahal sa pinakaespesyal na paraan!

Magkaroon ng chance manalo ng special at FREE VALENTINE’S DATE kasama ang iyong minamahal!

I-date ang ‘yong iniibig at ipadama ang ‘yong walang kasing tamis na pagmamahal ngayong Buwan ng mga Puso! May pa-FREE Valentine’s Date tayo para sa top-performing driver-partners!

ANO ANG DAPAT ABANGAN?

Special Dinner Date

Special Dinner Buffet @ SM MOA Vikings,
By the bay, ngayong
February 16, 2025

Negosyo Package

Bagong panimula na makakatulong sa inyong pamilya

Best Stories

Kakaibang kwento ng magpapaindak sa mga puso ninyo!

Rides Challenge 2025

Sino ang pwedeng sumali?

  • Bukas ito sa lahat ng Ka-Grab (2W at 4W) Ka-Tropang Move It riders.

Paano sumali?

  • Mula February 6, 2025 – February 8 2025, mag-post ng lumang litrato kasama ang iyong partner sa iyong PUBLIC Facebook account at ibahagi ang inyong unique love story at journey sa buhay bilang mag-asawa/partners.
  • Gamitin ang hashtag: #ValentinesWithGrabMoveIt

Ang mga pinaka-unique na love story at pinakamaraming likes ang may malaking tsansang manalo!

Sumali at i-share na ang inyong natatanging pagmamahalan! Baka kayo na ang isa sa maswerteng mananalo!

  1. Ito ay open to all MoveIt Riders sa Metro Manila at Greater Metro Manila (Bulacan, Cavite, Rizal) na may account activated on or before Feb 7, 2025.
  2. I-hit ang rides targets ng iyong service type mula February 08-12, 2025. No sign-up needed! Basta bumiyahe ka lang within the scheduled dates, counted na lahat ng rides mo!
  3. Wala dapat violation or fraud incident sa mga araw ng Ride Challenge upang ma-qualify manalo.
  4. Ang Ka-Tropa na may PINAKAMATAAS na rides sa loob ng schedule dates ang mananalo ng FREE VALENTINE’S DATE! Maaring magsama ng isang companion – puwedeng asawa, kapatid, nanay, anak o kapwa rider.
  5. Abangan ang message namin kung ikaw ang isa sa mga driver-partners na nanalo

RIDES TARGET

MoveIt
Minimum Target Rides 100 Rides
Duration Feb 08-12, 2025
Time Whole Day (12AM – 11:59PM)
Eligibility Criteria Minimum 75% Completion Rate
Mechanics Applicable Rides: All Move It online bookings only

Ito ay magsisimula ngayong February 08, 2025 hanggang February 12, 2025.

Bumiyahe lamang sa loob ng scheduled dates. Paramihan ito kaya tuloy-tuloy lang ang biyahe!

I-veverify namin ang list of winners matapos ang rides challenge. Makakatanggap ka ng message kung ikaw ay nanalo.

Ang Valentine’s Date ay gaganapin sa February 16, 2025 sa Vikings Mall of Asia.

Walang magbabago sa iyong incentives. Tuloy-tuloy pa rin ang GEMS na matatanggap depende sa incentives scheme sa linggong iyon.

Makikita ang status ng rides sa job card sa iyong Driver App.