MOVE IT JAMBOREE 2025:
Ang solid bakasyon para sa buong Tropa!
Hatid ng Move It Jamboree ang isang next-level bakasyon bilang pasasalamat at pagkilala sa ating mga Ka-Tropa na patuloy na sumusuporta sa misyon nating maghatid ng ligtas at maaasahang byahe para sa lahat!
Isang SPECIAL EVENT para sa mga bakbakero bilang pasasalamat at pagkilala sa kanilang patuloy na pagsuporta sa misyon nating maghatid ng ligtas at maaasahang byahe para sa lahat.
Narito ang mga dapat mong abangan:
🏝️ 2-day all-expense paid bakasyon (White Rock Beach and Resort, Zambales)
😎 Malupet at solid na activities
💪 Makasama ang iba pang mga Ka-Tropa sa pinalakas na Move It Community
Ang Move It Jamboree ay bukas para sa lahat ng METRO MANILA AT GREATER METRO MANILA RIDERS na activated ang account ON or BEFORE September 23, 2025!
Sumabak lang sa rides challenge mula September 24, 2025 hanggang October 13, 2025.
Limited slot lamang ito, Ka-Tropa! Ang TOP 500 RIDERS na makakakumpleto sa mga sumusunod na criteria sa loob ng rides challenge period lamang ang may chance makasali sa Jamboree 2025:
✅ Walang Move It violation o kahit anong fraud incidents.
✅ May minimum na 350 completed rides.
TANDAAN: Mas maraming completed rides, mas malaki ang chance mong mapili para makasama sa ating event!
✅ Naaabot ang quality metrics:
- May at least 75% Completion Rate at 70% Acceptance Rate
- May Cancellation Rate na 20% o mas mababa pa
- May 4.8 Star Rating o mataas pa
MARAMING SALAMAT SA ATING PARTNERS
Ilang araw na lang at magsasama-sama na tayo sa 2-day all-expense paid bakasyon na puno ng malulupet na activities at solid raffle prizes na hatid ng Move It Jamboree 2025 at ng ating mga partners!
