APPSENSO Move It Powered By Grab

Good news, Ka-Tropa! Simula June 2025, Grab Driver App na ang gagamitin ng lahat ng Move It riders! 

Ngayong 2025, patuloy ang misyon ng Move It na makapagbigay ng solid na serbisyo at suportahan ang sakses ng riders! 

Kasama si Grab, nais pa nating mapalawak ang opportunities na nagagawa ng riders sa platform at ma-improve ang inyong experience para sa swabe, ligtas, at maayos na biyahe. 

Sa tulong at lakas ng Grab App, maisasakatuparan natin ang layuning ito!

Paano tatakbo ang paglipat ng iyong account(migration)

  1. Mga Dapat Paghandaan  
  2. Downtime: Bawal Mag Online
  3. Step 1: Verify Your Login 
  4. Step 2: Verify Your Service Types 
  5. Step 3: Upgrade Your Wallet
  6. Congratulations! Tuloy-tuloy na ang AppSenso!
1. MGA DAPAT PAGHANDAAN - MIGRATION

Handa ka ba na sa AppSenso? Heto ang mga dapat mong paghandaan para sa paglipat ng iyong account. 

  • Abangan ang iyong migration schedule na ipapadala sa iyong Move It Driver App. Magkakaroon ng iba’t ibang batches para masiguro na swabe ang paglipat at maiwasan ang anong aberya. Kaakibat ng iyong schedule, ipapadala rin ang mga dapat mong gawin upang maging successful ang paglipat ng iyong account.
  • Sa araw ng iyong migration, magkakaroon ng pansamantalang downtime. Ibig sabihin, pansamantalang hindi maaari makapag-online at makapag biyahe. Hindi rin mabubuksan ang iyong Move It App para magtransfer ng pera or ma-access ang iyong GrabPay wallet. Kaya naman, magtabi na ng kaunting kita lods!

Habang inaantay ang iyong migration schedule, ihanda ang mga sumusunod para ready set go na lang ang iyong appsenso:

MIGRATION CHECKLIST!

Google Playstore:

Apple Appstore:

Idownload lamang at wag muna magsign in. Wag rin gumawa ng bagong account!

PAALALA: WAG MUNANG MAG-LOG IN OR SIGN-UP BAGO ANG IYONG MIGRATION DATE!

Kung ikaw ay Move It rider lamang, mag-sign in or sign-up gamit ang iyong registered Move It email at number sa mismong araw ng migration

Kung ikaw ay Move It Rider na may existing Grab service type, gamitin ang Grab email account sa pag sign-in sa mismong araw ng migration

Kailangan ipa-fully verify ang iyong GrabPay account bilang paghahanda sa mas magandang cashout experience gamit ang GrabPay. Ang hindi pag-verify o pag-upgrade to a Premium Wallet ay magre-resulta sa UNSUCCESSFUL CASHOUT dala ng tech transition.

Para malaman kung kumpleto na ang iyong KYC, kailangan fully verified na iyong GrabPay wallet sa iyong Grab Passenger App at konektado na ito sa iyong Grab Driver Wallet. Dapat nakikita na ang GrabPay Wallet at Cash Wallet. 

Hindi pa nakaKYC ang iyong account? Madali lang ito! Sundin ang mga steps sa link sa ibaba:

https://help.moveit.com.ph/driver/en-ph/35086281798425-How-to-complete-KYC-for-GrabPay

Sa takdang araw ng iyong migration, makakatanggap ka ng abiso na pansamantalang hindi maaring gamitin ang iyong Move It Driver Account. Ibig sabihin, hindi maaaring mag-online o kaya naman bumiyahe. Hindi rin maaaring mag-withdraw ng cash sa iyong wallet or galawin ang balanse. 

Abangan ang GO SIGNAL na ipapadala sa iyo via SMS kung maaari na gamitin muli ang iyong account at makapaglogin sa Grab Driver App.

Pagkatanggap ng go signal via SMS, maaari na gamitin ang iyong account! Maglog in na gamit ang Grab Driver App para maverify ang iyong login access.

Tandaan:

  • Para sa mga WALANG Grab Driver Account at gumagamit lamang ng Move It, gamitin ang iyong email address na associated sa iyong Move It account para makapag login.
Account TypeAno ang gagamitin pag sign-in?
Move It Rider onlyUse Move It email address / contact number
Move It Rider at kasalukuyang may Grab servicesUse Grab email address / contact number
Move It Rider ako pero suspended, restricted or dormant sa Grab?Use Move It email address / contact number
  • Para sa mga EXISTING Grab Driver Account at Move It account, gamitin ang iyong email address na associated sa iyong Grab Driver account para makapag login.
  • Wag gumamit ng bagong email na hindi associated sa Grab or Move It account mo. Kapag hindi existing account email ang ginamit, ikaw ay iimbitahan gumawa ng bagong account at babalik ulit sa re boarding process. Wag gumawa ng bagong account! 

Kung hindi pa rin maka-log in, idulog sa Help Center:

https://help.grab.com/driver/en-ph/115008080208-I-can’t-login-to-my-account

Kapag visible na ang homescreen, tapos ka na sa step 1!

Pagkatapos i-verify ang iyong login, maaari na simulan ang step 2 para iconfirm ang iyong service types. 

I-verify ang iyong service types sa base sa sumusunod na proceso! Mula home page, i-tap ang “Service Types”. I-check o iverify kung kumpleto ang iyong Move It or Grab service types. Maaari na rin i-toggle on or off ang Grab/Move It service types depende sa iyong diskarte.

  • Para sa mga WALANG Grab Driver Account at gumagamit lamang ng Move It, dapat ang available service type lamang ay: Move It Mototaxi at Express Saver

  • Para sa mga EXISTING Grab Driver Account at Move It account, makikita ang parehong Grab at Move It service types.

MGA DAPAT TANDAAN: 

  • Ang Grab service types na available lamang sa’yo ang lalabas dito. 
  • Mananatiling always on ang lahat ng Move It service types. Ang GrabFood/GrabExpress service types ay mananatili ring always on para sa mga member tier alinsunod sa KGR. Magiging toggleable lamang ito kapag tumaas ang iyong tiers. 
  • Tanging mga Move It Drivers na may EXISTING GrabFood/GrabExpress lamang ang magkakaroon ng GrabFood/GrabExpress servicetypes. Hindi rin automatic na magkakaroon ng Move It servicetypes ang existing GrabFood/GrabExpress riders. Para sa mga magdadagdag ng service types, ito ay dadaan sa reboarding process at magdedepende sa available slots ng bawat fleet. 

Kung hindi makita ang iyong service types, sundin ang sumusunod na proseso para maayos ang iyong account: 

  1. Bumalik sa home page. Itap ang iyong profile photo. 
  2. Itap ang iyong profile photo muli at tumungo sa “My Profile” 
  3. Itap ang pencil icon or edit icon sa right hand corner ng iyong screen. 
  4. Sa ilalim ng “Vehicle Information”, piliin ang registered vehicle sa Move It. 
  5. Muling i-recheck ang iyong service types. 

Kapag visible na ang homescreen, tapos ka na sa step 2 at ready na para sa final step!

Pagkatapos iverify ang iyong service types, handa ka na para sa final step! Kailangan mo iupgrade ang iyong wallet para maging handa na sa real-time cashout!


Dapat GrabPay Wallet at Cash Wallet ang makikita mo

Tandaan: Kapag hindi nakumpleto ang wallet upgrade, hindi maaaring mag-withdraw ng balanse o kita sa iyong account.

I-check kung upgraded na ang iyong wallet!

  1. Mula sa iyong home page, itap ang “Earnings”.
  2. Itap ang “Wallet” icon sa bottom right hand corner ng iyong earnings screen.
  3. Hanapin ang “There’s an upgrade on your wallet” notification
  4. Itap ang “Update Now”
  5.  Itap ang “Verify now” sa “Activate your GrabPay wallet” screen
  6. Makakatanggap ng OTP sa iyong registered mobile number. Ipasok ang OTP at itap ang “Verify Now”

Kapag nakumpleto ang steps, ang iyong GrabPay wallet ay visible na sa iyong Grab Driver App! Icheck rin kung tugma ang balanse sa GrabPay wallet ng parehong Grab Driver App at Grab App.

Paano kung hindi makita ang “There’s an upgrade on your wallet”? I-check dito kung ano ang dapat gawin:

Possible Error 1: Verified na ba ang iyong GrabPay wallet?
  1. Maaaring hindi pa verified ang iyong GrabPay wallet kaya hindi maupgrade ang iyong account. Kapag hindi pa verified, sundin ang sumusunod: 
  2. Idownload ang Grab App 
  3. Mag login sa Grab App.
    1. Para sa mga WALANG Grab Driver Account at gumagamit lamang ng Move It, gamitin ang iyong email address na associated sa iyong Move It account para makapag login. 
    2. Para sa mga EXISTING Grab Driver Account at Move It account, gamitin ang iyong email address na associated sa iyong Grab Driver account para makapag login.
  4. Mula home page, pindutin ang “Payment” at tumungo sa iyong GrabPay wallet. 
  5. Itap ang “Upgrade to a Premium Wallet” at piliin ang “Verify Now”. Ihanda ang mga documents na kailangan para sa verification. 
    Tandaan – icheck muna ang sumusunod para di maantala ang verification:
    • Tama na Impormasyon – Kailangan mong tiyakin na ang impormasyon na isinagot ay tugma sa mga dokumentong iyong isinumite tulad ng Pangalan, Numero ng ID, Address, atbp.
    • Tama na mga Dokumento – Siguraduhin na ang isinumite na Proof of Identity and Proof of Address ay tanggap ng Grab. Ang mga dokumentong isinumite ay dapat na valid at hindi pa expired. Para sa proof of address, ito ay hindi dapat mas matanda sa labindalawang (12) buwan.
  6. Abangan ang confirmation sa loob ng 24-48 hours. 
  7. Kapag kumpleto na ang verification ng iyong wallet, iupgrade na ang iyong wallet sa Grab Driver App.

Maaaring hindi pa confirmed ang iyong KYC sa Move It Driver App kaya hindi maupgrade ang iyong account. Para maasikaso ang Move It KYC, sundin ang sumusunod: 

  1. Kumpletuhin ang Move IT KYC sa pagsagot ng form sa ibaba at isubmit ang mga supporting documents/requirements: https://help.moveit.com.ph/driver/en-ph/35086281798425-How-to-complete-KYC-for-GrabPay
  2. Abangan ang confirmation sa loob ng 24-48 hours mula sa help center. 
  3. Kapag kumpleto na ang verification ng iyong wallet, iupgrade na ang iyong wallet sa Grab Driver App. 
  4. Kapag nakumpleto ang steps, ang iyong GrabPay wallet ay visible na sa iyong Grab Driver App! I-check rin kung tugma ang balanse sa GrabPay wallet ng parehong Grab Driver App at Grab App. 

Kapag upgraded na iyong wallet, tapos ka na sa migration process! Tuloy-tuloy na ang iyong Appsenso! 

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS

  • Makaka-receive ka ng text tungkol dito kasama ng ano ang mga dapat gawin upang maging smooth ang iyong migration. Habang hindi pa nakaka-receive ng message, patuloy na gamitin ang iyong Move It Driver App.
  • Siguraduhing ang email na iyong ginagamit upang mag-login sa Grab Driver app ay pareho ng iyong ginagamit sa iyong Move It Driver app.
  • Kung hindi pa rin maka-log in, idulog sa Help Center.
  • Para sa riders na single account holders (Move It only), ang ratings ay magre-reset paglipat sa Grab Driver App.
  • Para sa dual account holders (Move It with existing Grab account), ang current ratings nila sa Grab Driver App ang makikita.
  • Real-time ang pag-transfer mula sa cash wallet papunta sa kanilang GrabPay wallet. 
  • Matapos mag-transfer, dapat pareho ang balance na makikita sa GrabPay wallet at sa kanilang Grab Passenger App.
  • Pwedeng gamitin ang GrabPay pag-transfer sa ibang bank accounts at e-wallets.
  • Maaaring hindi pareho ang mobile number na nakalog-in sa iyong Grab Driver account at Grab Passenger account. Siguraduhing pareho ito. Kung hindi, palitan kung ano ang number na nasa Grab Passenger App upang mag-reflect nang tama ang balance mo. (via self-serve)
  • Kapag nakapag online ka na sa iyong Grab account at nakikita mo na ang iyong Move it taxi types, susunod mong i-check ang itsura ng iyong wallet. 
  • Kapag ang nakalagay dito ay cash at credit pa rin katulad ng nasa Move it wallet mo, ibig sabihin ay hindi pa nakasetup ang iyong account nang maayos.
  • Ang iyong experience sa iyong Grabfood / Grabexpress taxi types ay katulad ng polisiya sa ibang Grab drivers kung saan magiging toggleable ang iyong taxi types kung ikaw ay Tiered sa Ka-Grab Rewards (Silver and up) at depende sa available service type mo sa Grab.
  • Kung ikaw ay may active Grab account bago ang transition, dito mapupunta ang iyong Move It account din. 
  • Kung hindi agad agad makita ang Move It taxi types, maaaring dahi ito sa vehicle type na naka select sa iyong profile. Piliin ang tamang vehicle type na ginamit sa pagrehistro sa iyong Move It account.
  • Magagamit mo ang iyong existing Grab account para lamang sa Move It rides. Ibig sabihin nito, mananatiling suspendido o inactive ang Grab taxi types mo pagkatapos ng migration.

Kung ikaw ay mayroong outstanding loan at negative balance sa iyong lumang Grab account, ito ay mananatili sa iyong Grab account kung saan ililipat ang iyong Move It account. Deductions will resume according to the terms of the loans.

Scroll to Top

Examples of Infringement

Infringement Category

1.Hindi pagdalo sa refresher training dala ng paglabag ng Driver Guidelines na ito

Actions for Infringement

      • First Offence: Interview and Suspension – 5 days
      • Second Offence: BAN

2. Kabiguang makumpleto ang anumang mandatory training na required ng Move It

Actions for Infringement

      • First Offence: Interview and Suspension – 5 days
      • Second Offence: BAN

Examples of Infringement

Infringement Category

1.Pag-post o pag-share sa social media o anumang messaging app ng personal na impormasyon ng pasahero, eater, sender, customer, merchant, o empleyado ng Move It

Actions for Infringement

    • First Offence: BAN

Examples of Infringement

Infringement Category

1. Paggamit ng bulgar o hindi angkop na mga salita sa anumang anyo laban sa pasahero, sender, eater, merchant, kapwa driver/delivery-partner, o sa mga empleyado ng Move It bago, habang, o matapos ang trip/delivery. Kasama na rito ang pag-popost nito sa Social Media. Halimbawa nito ang pagkumento ng “Ang taba mo naman” o “Ang sexy mo naman” sa anumang anyo verbal o text man.

Actions for Infringement

  • First Offence: Suspension – 3 days w/ Retraining
  • Second Offence: BAN 

2. Lahat ng klase at anyo ng verbal/written harassment o pagbabanta laban sa pasahero, sender, eater, customer, o merchant. bago, habang, o pagkatapos ng trip/delivery. Halimbawa, ang pagbabanta ng “Susuntukin kita!” o “Sasaktan kita” sa anumang anyo text man o personal.

Actions for Infringement

  • First Offence: BAN 

3. Lahat ng klase at anyo ng physical harassment laban sa pasahero, sender, eater, o merchant. Kasama rito ang paggawa ng criminal acts sa platform tulad ng physical/sexual assault, rape, murder, at kidnap

Actions for Infringement

  • First Offence: BAN

4. Pag-asal o pakikipag-usap sa sekswal na paraan sa pasahero, sender, eater, merchant o kapwa driver/delivery-partner. Halimbawa nito ang pagtapik o paghawak sa legs o anumang parte ng katawan ng pasahero, o pagtitig sa suot o katawan ng pasahero, o mga pagtatanong/pagbibigay ng sexual questions/ suggestions.

Actions for Infringement

  • First Offence: BAN

Examples of Infringement

Infringement Category

1.Pagiging sanhi ng minor injuries o damages dahil sa careless o reckless driving

Actions for Infringement

    • First Offence: BAN

2. Pagiging sanhi ng major injuries o death (pagkamatay) dahil sa careless o reckless driving

Actions for Infringement

  • First Offence: BAN

3. Ang driver/delivery-partner ay may criminal offense o nasasailalim sa criminal na imbestigasyon ng mga awtoridad

Actions for Infringement

  • First Offence: BAN – Can be reinstated if court clearance is applied

4. Pagkabigo na ibalik ang item sa nagpadala sa loob ng naibigay na timeframe
Santions

Actions for Infringement

  • First Offence: BAN

Examples of Infringement

Infringement Category

1. Violation of any traffic rules and regulation.

Actions for Infringement

    • First Offence: Suspension 3 days 
    • Second Offence: BAN 

2. Stopped by police for riding without a helmet

Actions for Infringement

  • First Offence: BAN

Examples of Infringement

Infringement Category

1.Posession ng drugs o anumang drug-related offences

Actions for Infringement

  • First Offence: BAN

2.Pagmamaneho habang nasa impluwensya ng droga o alcohol

Actions for Infringement

  • First Offence: BAN

3. Pagtataglay ng anumang armas

Actions for Infringement

  • First Offence: BAN

Examples of Infringement

Infringement Category

1.Paggamit ng ibang sasakyan/plaka/account kumpara sa nakalagay sa app

Actions for Infringement

  • First Offence: BAN

2.Paggamit ng sasakyan na wala sa kondisyon o poor quality tulad ng may amoy, madumi, o may damage na sasakyan

Actions for Infringement

  • First Offence: Suspension – 2 days with retraining
  • Second Offence: Suspension – 5 days with retraining
  • Third Offence: BAN 

3.Pinayagan ang ibang tao na gamitin ang kanilang sasakyan, lisensya ng Move It Rider sa paggawa ng mga trabaho sa Move It 

Actions for Infringement

  • First Offence: BAN

Examples of Infringement

Infringement Category

1.Hindi pagsunod sa Safety and Health Protocols alinsunod sa Road Safety at Government guidelines.

Actions for Infringement

  • First Offence: Suspension until Driver Partner complies

Examples of Infringement

Infringement Category

1.Paggamit ng anumang pananalita sa salita man o sa pamamagitan ng mga text message na maaaring magkomento sa lahi, relihiyon, nasyonalidad, pananaw sa pulitika, kapansanan, oryentasyong sekswal, kasarian, edad o iba pang katangian.

Actions for Infringement

    • First Offence: BAN

Examples of Infringement

Infringement Category

1.Pagkabigong makamit ang mga patakaran ng Move It na may kaugnayan sa Quality Framework ng Driver at Rider

Actions for Infringement

  • First Offence: Suspension – 3 days
  • Second Offence: Suspension – 5 days
  • Third Offence: BAN

Examples of Infringement

Infringement Category

1.Pagkuha ng pasahero kasama ang iba pang pasahero sa sasakyan 

Actions for Infringement

  • First Offence: BAN

2.Pangongolekta ng fare na hindi naaayon sa nakalagay sa app. Kasama na rito ang pamimilit sa ng pasahero na magbayad ng cash kahit na naka-Move It Wallet ang booking, hindi pagbibigay ng tamang sukli, at maling pag-edit final fare.

Actions for Infringement

  • First Offence: Supension with 3 days retraining
  • Second Offence: BAN

3.Sinasadyang pag-delay ng trip sa pamamagitan ng hindi pagsunod sa mungkahi na ruta sa mapa

Actions for Infringement

  • First Offence: Suspension – 3 days 
  • Second Offence: BAN

Examples of Infringement

Infringement Category

1.Paninigarilyo sa loob ng sasakyan habang may pasahero.

Actions for Infringement

    • First Offence: Suspension – 3 days, with retraining 
    • Second Offence: BAN

2. Walang cleanliness, personal hygiene and inappropriate attire/gear for Move It uniform, vest, closed shoes and helmet. 

Actions for Infringement

    • First Offence: Suspension – 1 day, with retraining
    • Second Offence: Suspension – 3 days, with retraining
    • Third Offence: BAN

Examples of Infringement

Infringement Category

1.Sinasadyang pag-pick-up ng pasahero ng ibang rider-partner

Actions for Infringement

    • First Offence:  Suspension – 3 days
    • Second Offence: Suspension – 1 week
    • Third Offence: BAN  

2. Pag-drop-off sa pasahero sa hindi tamang lugar o drop-off point

Actions for Infringement

    • First Offence:  Suspension – 3 days
    • Second Offence: Suspension – 1 week
    • Third Offence: BAN

Examples of Infringement

Infringement Category

1. Hindi pag-report sa Move It kung nasangkot sa anumang road accident

Actions for Infringement

      • First Offence: Suspension – 3 days, with retraining
      • Second Offence: Suspension – 1 week, with retraining
      • Third Offence: BAN

2. Reporting fake incidents or emergencies

Actions for Infringement

        • First Offence: BAN

Examples of Infringement

Infringement Category

1. Anumang uri ng gaming ng incentives, fares o anumang nakakaapekto sa kita. Kasama na rito ang pangugnguntsyaba sa pasahero, peer, Move It employee, kapwa rider-partner pati narin ang paggawa o paggamit ng fake bookings o accounts.

Actions for Infringement

  • First Offence: BAN

2. Nagdudulot ng kaguluhan sa publiko o istorbo sa publiko dahil sa mga aksyon ng driver (hal. paggawa ng hindi katanggap tanggap na gawain tulad ng away o sigawan sa publiko.)

Actions for Infringement

  • First Offence: BAN

3. Sinadya na gumamit ng may sirang aparato / handphone na nagpapahina sa GPSS

Actions for Infringement

  • First Offence: Suspension – 3 days
  • Second Offence: Suspension until dax changes phone

4. Pagpatay ng GPS o mobile data habang nasa biyahe

Actions for Infringement

  • First Offence: BAN

5. Pananatili ng mga gamit na pag-aari ni pax na naiwan sa sasakyan o nabigong ihatid sa pasahero ng higit sa 48 oras

Actions for Infringement

  • First Offence: BAN (Suspended until return)
  • Second Offence: BAN

6. Paggamit ng modified app o 3rd party applications na hindi pinapahintulutan ng Move It

Actions for Infringement

  • First Offence: BAN

7. Palsipikasyon o forging ng anumang dokumento na isinumite sa Move It o sa mga regulators

Actions for Infringement

  • First Offence: BAN

8. Pagbebenta/pagpapahiram ng Move It gear

Actions for Infringement

  • First Offence: BAN

9. Pagdalo sa mga political rally, demonstrasyon, o nangangampanya habang kinikilala ang sarili bilang Move It, o nakasuot ng Move It attire (kung online man o wala sa platform)

Actions for Infringement

  • First Offence: BAN

10. Pang-uudyok, pang-istorbo, panggagambala sa operasyon ng Move It, at alinman sa mga stakeholder nito na kinabibilangan ng mga Driver at Pasahero
Actions for Infringement

  • First Offence: BAN

11. Pagpakalat ng maling impormasyon o anumang mga gawain na makakaapekto sa reputasyon ng Move It.

Actions for Infringement

  • First Offence: BAN

12. Pagkabigong sumunod sa  Gear Compliance Check.

Actions for Infringement

  • First Offence: Suspension 3 days + training
  • Second Offence: Suspension 5 days + training
  • Third Offence: BAN

Examples of Infringement

Infringement Category

1.Anumang uri ng pananakit at / o pagbabanta sa kawani ng Move It o mga external parties sa Driver Center / Move It office

Actions for Infringement

  • First Offence: BAN

Examples of Infringement

Infringement Category

1.Pagmamaneho nang walang valid driving license o vocational license (hindi kasama ang mga cyclists at walkers)

Actions for Infringement

  • First Offence: Suspend until submission of valid license
  • Second Offence: BAN 

2. Pagmamaneho ng walang valid vehicle requirements mula TWG

Actions for Infringement

  • First Offence: Suspend until submission of valid license
  • Second Offence: BAN
  •  

3. Hindi pagsunod sa anumang kinakailangan ng gobyerno/regulasyon, tulad ng mga kaugnay na Memorandum Circulars ng TWG

Actions for Infringement

  • First Offence: Suspension – 3 days
  • Second Offence: BAN – name and license number to be submitted to TWG
    •  

4. Exterior ad ng motorsiklo habang nasa pagbiyahe nang walang kaukulang permit mula sa LTFRB at DICT na naproseso sa pamamagitan ng Move It (kasama ngunit hindi limitado sa sampling, mga balot ng bisikleta, mga board ng bisikleta)

Penalties for Violation

  • First Offence: Suspension – 3 days, ad removal or permit required
  • Second Offence: BAN
        •  

5. False declaration ng criminal record

Actions for Violation

  • First Offence: BAN
            •