NARITO NA ANG BAGO MONG KAAGAPAY
Bawat biyahe, patungo sa isang panatag at protektadong bukas.
Higit pa sa iyong araw-araw na kita, nais din naming suportahan ang iyong pangmatagalan kalusugan, kabuhayan at kapanatagan, para sa’yo at sa iyong pamilya.
Mula Ka-Move It Rewards, bagong hakbang na tayo sa biyahe! Simula October 2026, magsisimula ang Kaagapay Program para sa mga Ka-Tropa sa Metro Manila. Abutin ang targets para sa pagkakataong ma-qualify sa mga suportang hatid ng Kaagapay Program simula November 2026!
ANO ANG MGA BENEFITS SA KAAGAPAY PROGRAM?
Paalala: Magkakaiba ang available na benepisyo ayon sa iyong tier.

KALUSUGAN

Maxicare Healthcare Plan
Available na ang unlimited check-ups sa Maxicare clinics at discounted rates sa mga piling laboratory at diagnostic tests

Medical Allowance
May pambili ka na rin ng gamot o vitamins sa GrabMart pharmacies bilang dagdag tulong sa gastusing pangkalusugan.

KABUHAYAN

Early Access
Makita ng mas maaga ang Power Pasada Slots para mas planado ang oras sa kalsada

Exclusive Features
Ma-access ang mga app features na maaaring makatulong sa araw-araw mong pagbiyahe

KAPANATAGAN

AXA Life Insurance
May dagdag proteksyon ka mula sa death, accidental death, o disability nasa biyahe ka man o wala.

Cocolife Hospital Assistance
Kung maaksidente ka man sa biyahe, sagot ka rin ng Cocolife sa gastusin sa ospital.

Pag-ibig Subsidized Contribution
Pati contribution mo sa Pag-IBIG, pwedeng masuportahan ng hanggang P200 Subsidized Contribution kapag naabot ang required tier!
PAANO MAG-QUALIFY SA KAAGAPAY PROGRAM?
Lahat ng active Ka-Grab ay bibigyan ng pagkakataong maabot ang target rides at criteria kada buwan. Abangan ang ating Monthly Tier and Target Rides Announcement sa umpisa ng bawat buwan.
PAANO ITO GUMAGANA?

Abutin ang monthly targets
Kada buwan, maglalabas tayo ng target rides at criteria. May buong buwan ka para maabot ang mga ito

Alamin ang iyong tier
Pagkatapos ng cycle, abangan ang official notification tungkol sa iyong tier at mga benepisyong magiging kaagapay mo

I-activate at gamitin ang benefits
Sundin ang instructions sa tier notification para i-activate o i-redeem ang mga benepisyong iyong nakuha.
ANO ANG MGA CRITERIA NA DAPAT ABUTIN?
Mga criteria na maaaring pagbabasehan ng iyong tier:
Monthly Rides
Mula sa bilang ng rides na na-abot mo sa target month
Halimbawa: Naabot mo ang Alamat targets noong October 2026, asahang matanggap ang Alamat rewards sa November 2026.
Star Rating
Ito ay base sa iyong Star Rating sa unang araw ng buwan
Completion Rate
Ang iyong tier ay base sa Completion Rate performance mo sa nakaraang buwan
Acceptance Rate
Sinusukat ang prosyento ng bookings na iyong tinatanggap at hindi kina-cancel. Kapag 100% ang acceptance rate, hindi ka nagka-cancel ng booking
Cancellation Rate
Sinusukat ang porsyento ng iyong cancelled bookings. Kapag 0% ang iyong cancellation rate, wala kang cancelled bookings.
SAAN MAKIKITA ANG MGA BENEFITS?
Abangan ang iyong monthly tier announcement sa iyong Driver App para sa listahan ng benefits at coverage na pwede mong ma-redeem.
Paalala: Magkakaiba ang available na benepisyo ayon sa iyong tier.
MGA KADALASANG KATANANUGAN
Ano ang Kaagapay Program?
Ang Kaagapay Program ay ang bagong Ka-Grab Rewards+. Narito pa rin ang pag-abot ng monthly targets at tiers! Ang bago: mga suportang nakatuon sa mas panatag na biyahe at protektadong bukas!
Para ba ito sa lahat ng Ka-Grab at Ka-Move It?
Lahat ng active Ka-Move It riders ay bibigyan ng pagkakataong maabot ang target rides at criteria kada buwan.
Kailan magsisimula ang targets at kailan ko matatanggap ang benefits?
Magsisimula ang pag-abot ng targets ngayong October 2026. Sa November 2026 naman matatanggap ng mga eligible Ka-Grab ang mga benepisyo ng Kaagapay Program, base sa performance nila noong nakaraang buwan.
Paano ko malalaman ang aking target at progress?
Matatanggap mo ang target announcement sa iyong driver app sa unang linggo ng buwan, makikita naman ang iyong progress sa incentives tab bilang job card
Paano ko malalaman ang aking tier?
Pagkatapos ng monthly cycle, makakatanggap ka ng official tier announcement. Nakasaad dito ang iyong tier, mga benepisyo at hakbang kung paano i-redeem ang mga ito. Makikita rin ang iyong tier sa GrabBenefits Tab ng iyong Driver App
Kailangan bang i-activate ang bawat benefit?
Hindi pare-pareho ang proseso. May benefits na maaaring i-claim, i-redeem o i-activate muna. Sundin ang instructions sa iyong tier announcement.
Sino ang eligible sa Maxicare?
Ang Maxicare healthcare plan ay para sa mga naka-abot ng Platinum Tier.
Libre ba ang lahat ng Maxicare services?
Pwede kang mag-avail ng unlimited check-ups sa mga accredited clinics sa buong bansa sa loob ng isang buwan. Ang ibang serbisyo o top-up tulad ng pag-avail ng APE at pagdagdag ng dependent ay may discounted rates na kailangan mong bayaran
Kasama ba ang pamilya ko sa Maxicare?
Hindi. Maaaring mag-avail ng dependent option para sa family members sa discounted price.
Saan ko magagamit ang Maxicare?
Maaari mong magamit ang unlimited check-up sa mga piling accredited Maxicare clinics nationwide.
Gaano katagal ang Maxicare coverage?
Ang Maxicare healthcare plan ay valid ng isang buwan. Tignan sa iyong tier announcement ang eksaktong validity dates ng iyong healthcare plan.
Ano ang coverage ng AXA Life Insurance?
Tingnan ang detalye dito: AXA Life Insurance
Ano ang coverage ng Cocolife?
Tingnan ang detalye dito: Grab personal accident insurance
Ano ang Pag-ibig Subsidized Contribution?
Ito ay P200 na suporta sa Pag-ibig Fund Contribution ng mga tiered na Ka-Move It
Ano ang mangyayari sa dati kong KMR vouchers o benefits?
May hanggang October 31, 2026 ka pa para ma-redeem ang mga KMR voucher na nakuha mo noong nakaraang buwan. Mula November 2026, Kaagapay Program Benefits na ang iyong matatanggap kapag na-abot mo ang targets.
